Yellow alert status sa Luzon grid inalis na ng NGCP

Inalis na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert status sa Luzon grid bandang 10:30 Sabado ng gabi.

Sa abiso ng NGCP, inalis ang yellow alert status sa Luzon grid dahil bumaba na ang demand ng kuryente.

Alas 8:00 ng umaga nag-abiso ang NGCP ng yellow alert status sa Luzon grid kung saan ang available capacity ng kuryente ay 11,095 megawatts habang ang peak demand ng kuryente ay 10,300 megawatts.

Ang pagsasailalim sa Luzon grid ng yellow alert ay nagreresulta sa power interruptions sa ilang lugar sa rehiyon.

 

Read more...