P100K na halaga ng shabu nasamsam sa buy-bust sa Makati

NCRPO photo

Timbog ang isang lalaking drug suspek sa isinagawang buy-bust operation ng National Capital Region Police office (NCRPO) sa J.P. Rizal Street kanto ng Zobel Street, Barangay Singkamas, Makati City.

Nakilala ang suspek na si Maek Lester Canlas, 29-anyos, at residente ng Brgy. Kasilawan.

Nakuha sa suspek ang tinatayang 30 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P100,000 at isang motorsiklo.

Ginawa ng operasyon ng pinag-sanib pwersa ng NCRPO Regional Drug  Enforcement Unit, Makati City Police Station at Philippine Drug Enforcement Unit – NCR.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...