Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) na huhulihin ang electronic scooter na hindi rehistrado at ginagamit sa mga pangunahing lansangan.
Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, dapat may lisensya ang mga operator ng e-scooter dahil ikinukunsidera ang sasakyan na motor vehicle na katulad na kategorya ng electronic bike.
Suportado naman ng mga lokal na pamahalaan ang hakbang ng LTO.
Sinabi ni Jimmy Isidro, public information office ng Mandaluyong LGU, kailangang irehistro ang e-scooter sa LTO.
Ayon naman kay Dexter Cardenas ng Quezon City Public Order and Safety, hindi sisitahin ang e-scooter kung may lisensya ito at sumusunod sa batas.
Sa hiwalay na paalala ay sinabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na huwag nang gumamit ng e-scooter sa mga major roads gaya sa EDSA at Commonwealth Avenue.