Power interruption sa Laguna at Quezon Province asahan bukas – Meralco

Magkakaroon ng power interruption sa ilang lugar sa Laguna at Quezon Province sa June, 23, araw ng Linggo.

Base sa abiso ng Meralco, apektado ang mga lugar ng Laguna tulad ng  Liliw, Nagcarlan, Rizal, Magdalena, Majayjay, Luisiana at Sta. Cruz dahil sa gagawing maintenance ng NGCP-Lumban substation.

Tatagal ang nasabing power interruption mula 8:30 hanggang 9:00 ng umaga at 11:00 hanggang 11:30 ng umaga.

 

May gagawin din maintenance sa NGCP-Tayabas substation sa Quezon Province dahilan para makaranas ang Lucena City, Tayabas, Lucban, Sampaloc at Pagbiloa ng anim na oras na walang kuryente, mula 1:00 ng madaling araw hanggang 7:00 ng umaga.

 

Samantala, nagkaroon naman ng dalawang oras na power interruption dahil sa emergency line trouble , alas-9:00, Sabado ng umaga, June 22 sa La Huerta, Moonwalk, San Dionisio,  San Antonio, San Isidro at Sto. Nino Paranaque City. / (NT)

Read more...