Lalaki patay nang pumaloob ang katawan sa isang meat grinder sa Iloilo City

Photo: Flo Navartette

Nagkalasog-lasog ang katawan ng isang lalaking empleyado ng isang meat shop makaraan itong ma-stuck sa loob ng isang industrial meat grinder.

Ang nasabing insidente ay naganap sa isang pagawaan ng chorizo at longganisa sa Barangay Mansaya, Lapuz, Iloilo City.

Napag-alaman na bago pa lamang na nagta-trabaho sa nasabing chorizo shop ang biktimang si Jomar Junco, 18-anyos at tubong Laua-an, Antique.

Lumabas lamang umano sandali mula sa meat shop ang operator ng grinding machine nang ito ay kanyang pakialaman.

Napag-alaman na naipit ng nasabing makina ang kamay ng biktima pero hindi niya ito kaagad na nahugot na naging dahilan para pumaloob siya sa nasabing grinding machine.

Labis na nabigla ang mga residente sa lugar dahil sa malagim na pangyayari.

Read more...