11 drug suspect huli sa round-the-clock operations ng QCPD

Inquirer file photo

Umabot ng labing isa ang naaresto na mga drug suspek ng Quezon City Police District o QCPD sa buong magdamag

Base sa tala ng QCPD, ang Novaliches Police Station 4 ang may pinakamaraming nahuli na may limang drug suspek, ito rin ang may pinakamaring nakuhang hinihinalang droga na umabot ng labing apat na maliliit na sachet.

Ang La Loma Police Station 1 at Cubao Police Station 7 ay may huling tig dalawang drug suspek.

May naarestong tig-isang drug suspek ang Fairview Police Station5 at Batasan Police Station 6

Nasa dalawangput anim na maliliit na sachet ang nasamsam na hinihinalang druga at tatlong maliliit na sachet na umano’y pinatuyong dahon ng marijuana, isang cellphone, drug paraphernalia at buy-bust money.

Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr., ito ay dahil sa kanilang round-the-clock anti-criminality at anti-illegal drug operation ng iba’t ibang Station Drug Enforcement Unit ng lunsog ng Quezon.

Read more...