Nanay ni Trillanes isinangkot ni Duterte sa helmet scam

Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nanay ni Senador Antonio Trillanes IV at ng diuma’y sangkot sa P3.8 Million Kevlar helmet deal kasama ang pork barrel scam queen na si Janneth Lim Napoles.

Ayon sa pangulo, ang mga magulang ni Trillanes ay sangkot sa ilang kaso ng kurapsyon sa loob ng Philippine Military Academy (PMA).

Sinabi ni Duterte na panay ang bintang ni Trillanes sa katiwalian ng kanyang administrasyon samantalang ang kanyang mga magulang naman ang silang sangkot sa ilang mga kalokohan.

Alam na alam umano ito ng mga matatandang opisyal sa military lalo na sa Philippine Navy kung saan ay dati ring naglingkod ang ama ng mambabatas.

Noong 2013, naiulat na si Napoles ang diumano’y mastermind ng multi-million peso pork barrel scam.

Nakasuhan rin ng graft at malservation si Napoles at kaniyang asawa na si Marine Major Jaime Napoles dahil sa koneksyon nito sa anumalya sa pagbili ng Kevlar helmets na nagkakahalaga ng P3.8 Million.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinaratangan ni Duterte ang nanay ni Trillanes ng kurapsyon.

Mariin namang itinanggi ni Trillanes ang paratang at sinabing mayroong sakit ang kaniyang ina na Parkinson’s Disease.

Read more...