Base sa Meralco advisory, ito ay dahil magkakaroon ng maintenance sa mga linya ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) mula Makban Bay hanggang Calamba transmission lines.
Tatagal ang power interruptions mula 5:30 hanggang 6:00 ng umaga at mula 6:00 hanggang 6:30 ng gabi.
Sa Batangas, apektado ang bahagi ng Sto. Tomas at sa Laguna ay ang mga lugar sa Calamaba City at Los Baños.
Siniguro naman ng Meralco na hindi mapapalawig ang gagawin nilang maitenance sa mga nasabing lugar.
Samantala, sa Biyernes (June 28), may power interruption sa Biñan, Laguna dahil papalitan ang mga poste at linya sa Rosario Complex Avenue sa Barangay San Fransisco mula 9:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.
Maari namang bisitahin ang webtsite ng Meralco para sa iba pang impormasyon ng kanilang mga power interruption.