10 kalsada sa Metro Manila, isasailalim sa road repair ngayong weekend

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa isasagawang road repair at reblocking sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

Sa abiso ng MMDA, magsasagawa ng pagsasaayos ang Department og Public Works and Highways (DPWH) sa 10 kalsada.

Magsisimula ang pagsasaayos bandang 11:00, Biyernes ng gabi (June 21) hanggang 5:00, Lunes ng umaga (June 24).

Narito ang mga apektadong kalsada:

Sa southbound:
– EDSA sa harap ng Guzent Construction Sales and Rental (ikalawang lane mula sa sidewalk)
– Katipunan Avenue mula pagkatapos ng Aurora Flyover hanggang P. Tuazon Boulevard (truck lane)
– EDSA Magallanes-Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes-Alabang Bus Stop (outer lane)
– EDSA bago ang Aurora Boulevard (outermost lane) at Aurora Boulevard – Arayat (innermost lane)

Sa eastbound:
– General Luis St. malapit sa Banahaw St.

Sa westbound:
– Quirino Highway Kingfisher St. hanggang Primerose St. (unang lane mula sa sidewalk)

Sa northbound:
– C-5 Road sa harap ng SM Aura at Market-Market (inner lane)
– España Boulevard Don Quijote hanggang Ma. Cristina St.
– Regalado sa harap ng SM Fairview (ikalawang lane mula sa sidewalk)
– EDSA bago mag-General Roxas Avenue hanggang pagkatapos ng Aurora Boulevard (una at ikalawang lane mula sa sidewalk, intermittent)

Dahil dito, inabisuhan ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.

Read more...