Recto Bank incident, hindi pag-atake sa soberenya ng Pilipinas – Pangulong Duterte

Presidential Photo

Matapos sabihing isang maliit na maritime accident, inihayag naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pag-atake sa soberenya ng Pilipinas ang kinasangkutang insidente ng bangkang pangisda ng mga Pinoy at Chinese vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Sa kaniyang talumpati sa oath-taking ng mga anak na sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte, sinabi nito na ang banggaan ay hindi isyu sa soberenya ng bansa.

Hindi aniya kailangang itaas ang “convoluted argument” sa insidente.

Ito ay dahil ang insidente ay hindi naman aniya komprontasyon ng mga armadong lalaki o barkong pandigma.

Wala rin aniyang nasawi sa insidente.

Kung kasalanan man aniya ng mga Chinese crew, kailangan ng mga itong magbayad sa danyos.

Dagdag pa ng pangulo, hindi siya takot sa China. Natatakot lamang aniya siyang baka walang kalaban-laban ang Pilipinas sa giyera.

Read more...