Dumating si Del Rosario sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bandang 4:59 ng hapon.
Halos anim na oras na nanatili si Del Rosario sa isang pasilidad sa paliparan at sumailalim sa pagtatanong ng immigration authorities sa Hong Kong.
Sinalubong naman si Del Rosario ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa paliparan.
Bumiyahe si Del Rosario sa Hong Kong para sana dumalo sa board at shareholders meetings ng First Pacific.
Sina Del Rosario, kasama si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang naghain ng reklamo laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y crimes against humanity.