9 na naarestong drug suspect iniharap ng NBI

Iniharap sa media ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naarestong siyam na drug suspect sa ikinasang operasyon malapit lamang ng Malakanyang.

Ayon kay Atty. Ross Jonathan Galicia, hepe ng NBI-Task Force Against Illegal Drug Trade, isinagawa ang magkakahiwalay na operasyon kasama ang Presidential Security Group (PSG) noong June 6, 7 at 17, 2019.

Nakilala ang mga suspek na sina Leonardo Asa, Bryan Jason Batrina, Rolando Laya, Esperanza Pido, Melvin Santiago, Freddie Nacion Jr., Joan Garcia, Sulpicio Casilles Jr. at Ronnie Gonzalo Lao.

Nahuli sa akto ang ilang drg suspect na nagbebenta ng ilegal na droga.

Ang ilan naman, nahuli sa pot session sa isang sinasabing drug den sa bahagi ng Barangay 662 sa Paco, Maynila.

Read more...