Magnitude 3.8 na lindol naitala sa Surigao del Norte

Tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa Surigao del Norte, Biyernes ng hapon (June 21).

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 87 kilometers Southeast ng General Luna bandang 1:01 ng hapon.

May lalim ang lindol na 2 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...