Binisita ni Vice President Leni Robredo ang mga mangingisda ng F/B Gem-Ver 1, ang bangkang lumubog matapos banggain ng Chinese vessel sa Recto Bank noong June 9.
Dumating si Robredo Biyernes (June 21) bago mag-alas 10:00 ng umaga.
Una siyang nagtungo sa bahay ng may-ari ng F/B Gem-Ver 1 na si Arlene dela Torre sa Barangay San Roque sa Occidental Mindoro.
Sa isang panayam sa telepono kay Dela Torre, sinabi niya na kinausap siya at iba pa niyang crew ni Robredo, walang police o media sa naturang pag-uusap at hindi rin nagpa-unlak ng panayam ang Bise Presidente.
Nagtungo rin si Robredo sa bahay ni Junnel Insigne ang kapitan ng bangka.
Sa isa namang panayam sa telepono kay Insigne, sinabi niya na walang sinabi si Robredo at nakinig lamang sa kanilang mga kwento.
Naging kumportable din umano sina Insigne at sinabing isang mabait at masayahing tao si Robredo.
Binisita din ni Robredo ang bahay ng machine operation.
Matapos ang pakikipag-usap sa mga mangingisda, nagtungo na si Robredo sa munisipyo kasama si Mayor Romulo Festin.