Ito ay kasunod ng rekomendasyon ng Commission on Audit (COA) matapos masilip ang foreign travels ng mga taga-DOJ.
Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na ang maaring limitahan ay ang pagdalo nila sa international conferences.
Paliwanag ng kalihim ang pagbiyahe nila sa ibang bansa ay para sa mga pandaigdigang pagpupulong tulad ng mga sesyon sa UN agencies, ASEAN regional meetings at Bilateral Negotiations on Legal Cooperation.
Dagdag pa nito napakahalaga ng mga naturang pulong ay malaking tulong sa pagtupad sa kanilang mga mandato.
Sa COA report may 14 opisyal ng kagawaran ang napadalas ang pagbiyahe sa ibang bansa noong nakaraang taon.
Gumasta ang DOJ sa mga official foreign travels ng P6.19 million.