Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, simula sa August 1, 2019 hanggang September 30, 2019, pwede na muling magparehistro.
Bukas din ang Comelec offices kahit ang abado at Linggo, maging holidays.
Sa pagtaya ng Comelec, aabot sa dalawang milyong bagong botante ang inaasahang magpaparehistro sa loob ng dalawang buwang voter’s registration period.
Nilinaw naman ni Jimenez na ang mga botante na sa Sangguniang Kabataan ay hindi na kailangan pang magpa-rehistro kung sila ay magiging 18 anyos na.
Automatic na kasing maililipat ang kanilang pangalan mula sa SK List of Voters patungo sa regular List of Voters.
MOST READ
LATEST STORIES