Ito na ang simula ng paglilitis sa kaso matapos mabigong magkaroon ng settlement o magkaayos ang dalawang panig sa nangyaring mediation meeting sa kampo nina Ressa at complainant na si Wilfredo Keng.
Sinabi ni Theodore Te, abogado ni Ressa, dahil hindi nagkasundo ibinalik na sa Regional Trial Court Branch 46 ang kaso para sa paglilitis.
Sa nangyaring pre-trial, tinukoy na ang mga ihaharap na mga testigo gayundin ang pagmarka sa mga ebidensiya.
Nakapagtakda na rin ng petsa ng mga pagdinig ngunit hindi pa natukoy kung kailan haharap ang negosyanteng si Keng.
Noong nakaraang Pebrero, inaresto na si Ressa dahil sa kaso.
Naghain ng reklamo si Keng laban kay Ressa base sa lumabas na artikulo sa Rappler noong 2012, kung saan ginagamit daw ni dating Chief Justice Renato Corona ang sports utility vehicle o SUV ni Keng.
Iniugnay si Keng sa drug smuggling at human trafficking kayat aniya nilapastangan ng artikulo ang kanyang pagkatao bukod sa hindi pagkuha sa kanyang panig sa artikulo.