Political officer ng NPA sumuko sa militar Davao City

Sumuko sa militar ang isang opisyal ng New People’s Army sa Paquibato District, Davao City.

Kinumpirma ni Capt. Erick Wynmer Calulot, ang Civil-Military Operations Officer ng 1003rd Infantry Brigade ang pagbabalik loob ni Epifanio Blas, 49-anyos at residente ng Barangay Malabog.

Si Blas ang umaaktong assistant secretary ng Hingpit Organisadong Masa ng NPA sa kanilang barangay.

Nauna nang idineklarang insurgency-free ang nasabing barangay at naging pilot area ng Peace 911 ng lungsod.

Read more...