Ayon kay Bauan Mayor Bojie Casapao, pinaniniwalaang ang matinding init ang dahilan ng pagkahimatay ng mga mag-aaral.
Mula sa iba’t ibang section ang mga estudyante na pawang dinala sa Bauan Doctor’s Hospital at sa Bauan General Hospital.
Kahapon ayon kay Casapao, lumahok sa earthquake drill ang mga mag-aaral ng paaralan at mayroon na ring mga estudyante ang nakaranas ng pagkahilo at nawalan ng malay kaya dinala din sa ospital.
Ang ibang sa kanila ay naging stable na ang kalagayan ay pinayagan nang makauwi ng mga doktor.
Sa ngayon wala na munang klase sa Bauan Technical High School.
Magpupulong na rin ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Bauan bunsod ng insidente.