Justice Sec. Guevarra, itinalagang OIC ng bansa habang nasa Thailand si Pangulong Duterte

Si Justice Secretary Menardo Guevarra muli ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang officer-in-charge ng bansa habang sya ay nasa Bangkok Thailand.

Dadalo ang pangulo sa 34th Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit mula ngayong araw June 21, hanggang sa araw ng Linggo, June 23.

Sa special order number 631 na nilagdaan ni Pangulong Duterte at Executive Secretary Salvador Medialdea na may petsang June 20 ay inatasan si Guevarra na pangasiwaan ang bansa habang wala ang pangulo.

Magugunitang si Guevarra din ang itinalagang caretaker ng bansa noong nakaraang biyahe ni Pangulong Duterte sa Japan.

Si Pangulong Duterte ay darating sa Bangkok Thailand mamayang gabi para sa kanyang pagdalo bukas sa 34th ASEAN Summit.

Read more...