Paliwanag ni Ann Marie Corominas, abogado ni Del Rosario, gamit ng dating kalihim ang kanyang diplomatic passport samantalang regular passport lang ang dala ni Carpio-Morales.
Aniya alas-7:40 ng umaga (June 21) nang dumating sa Hong Kong si Del Rosario at pinigilan na siya ng immigration personnel at pinagsabihan na maghintay.
Dinala sa holding area si Del Rosario at hindi sinabihan ng dahilan ng pagpigil sa kanya.
Ayon kay Corominas ang ginawa kay Del Rosario ay paglabag sa Vienna Convention on Diplomatic Immunity dahil diplomatic passport ang gamit ng dating kalihim.
Noong nakaraang buwan, hindi pinapasok si Carpio-Morales sa Hong Kong.
Sina Del Rosario at Carpio ang naghain ng reklamo laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Court dahil sa mga ‘di umano’y bullying incidents sa West Philippine Sea.