Ito ay kasunod ng pagbabawas pa ng alokasyon ng tubig mula Angat dam para sa domestic use sa Metro Manila, Rizal at Cavite.
Sa abiso ng Manila Water, apektado ang maraming lugar sa Quezon City, Taguig, Maynila, Mandaluyong, Pasig, Marikina, Pateros, San Juan at Makati.
Pero simula bukas, June 22, may mga lugar sa Mandaluyong, Pasig at Quezon City na sa araw-araw ay 2 hanggang 4 na oras lang may suplay ng tubig.
Kabilang dito ang mga sumusunod na lugar:
Sa Mandaluyong City, dalawang oras lang o mula 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali may tubig sa:
– Bahagi ng Barangka Drive sa bahagi ng Sacrepante
– Bahagi ng Barangka Ibaba partikular ang Agudo, irid at Countryside
– Barangka Itaas
– Bahagi ng Burol, partikular ang matataas na lugar sa A. Luna, Pag-asa Street at Hulo
– Bahagi ng Plainview gaya ng Dalisay, Kayumanggi, Ginhawa, Maria Clara, Florante, Tanglaw, Sikap, Katarungan, Bumatay, at Tiyaga
– Bahagi ng Plaesant Hills gaya ng E. Dela Paz, Jaime Cardinal Sin at Victorio.
Sa Quezon City, 3 oras lang may suplay ng tubig o 10:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon sa Matandang Balara sa Capitol Hills Golf.
At sa Pasig, 4 na oras lang merong suplay ng tubig o mula 7:00 hanggang 11:00 ng umaga Bahagi ng Oranbo sa Capt. Javier.
Sa iba pang lugar na sineserbisyuhan ng Manila Water ay tatagal ng 6 hanggang 13 oras ang water service interruptions.