Pangakong umento sa sahod ng mga guro at kawani ng gobyerno dapat nang tuparin ng pangulo

Umapela ang ACT Teachers party-list group kay Pangulong Duterte na tuparin ang pangako niya na tataasan ang sahod ng mga pampublikong guro at empleyado ng gobyerno.

Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro, ilang beses na nangako si Pangulong Duterte sa mga guro na itaas ang suweldo.

Giit ni Castro, ngayon na ang tamang panahon at urgent na ibigay sa mga guro at tuparin ang kanyang mga pangako.

Kinondena naman ni ACT Teacher Rep. Antonio Tinio ang pagkukumpara ng Department of Education (Deped) sa sahod ng mga pampublikong guro na mas malaki sa mga guro sa pribadong paaralan.

Dahil dito kaya nanawagan si Tinio sa presidente na ipantay na sa suweldo ng pulis at sundalo ang suweldo ng public school teachers.

Nabatid na ang last tranche ng salary increases para sa government workers sa ilalim ng Executive Order 201 ay ibibigay ngayong taon.

Read more...