Zion Williamson number 1 sa NBA draft; napunta sa koponan ng New Orleans Pelicans

NBA Photo

Sa New Orlean Pelicans maglalaro si Zion Williamson.

Number 1 si Williamson sa idinaos na NBA draft.

Emosyonal si Williamson nang malamang siya ang number 1 draft at sinabing hindi siya makapaniwala sa nangyari.

Hindi rin niya napigilang mapaiyak habang kinakapanayam lalo na nang magpasalamat siya sa kaniyang ina na todo suporta sa kaniyang basketball career.

Si Williamson ay star player ng Duke University.

May taas siyang 6’7 at malaki din ang built ng katawan.

Read more...