PH-China joint investigation sa Recto Bank incident ibinasura ni Sec. Locsin

Ayaw patulan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ang mga panawagan na magkaroon ng joint investigation ang Pilipinas at China sa Recto Bank incident.

Sa kanyang tweet, iginiit ni Locsin na hiwalay na iimbestigahan ng dalawang bansa ang insidente na muntik ikamatay ng 22 mangingisdang Filipino.

Ayon pa sa kalihim iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang insidente at aniya dapat ay pagtiwalaan na lang si Transportation Sec. Art Tugade.

Pagdidiin pa ni Locsin wala silang gagawing hakbang maliban sa kung ano ang sa tingin niya ang dapat gawin at aniya suportado naman ng Malakanyang ang kanyang posisyon.

Una nang nanawagan ang China ng joint investigation sa usapin.

Sinabi naman ng Malakanyang na bukas dito ang pamahalaan.

Read more...