Ayon kay Manila Water Communications Manager Dittie Galang, simula hatinggabi mamaya ipatutupad na ang bawas sa alokasyong tubig para sa domestic use.
Ibig sabihin 36 cubic meters per second na lang ang tubig na ilalabas ng Angat Dam para sa suplay ng tubig sa Metro Manila, Rizal at Cavite.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, kung dati ay 8 hanggang 12 oras lamang ang ipinatutupad nilang water service interruptions, ngayon ay aabot na ito sa 12 to 17 hours.
Bagaman mayroon ding water tankers ang Manila Water na magrarasyon ng tubig, prayoridad naman nito ang mga paaralan at mga ospital.
Payo ni Galang sa mga, dahil may mga oras pa naman na may suplay sila ng tubig, mag-ipon na ng sapat sa kanilang pangangailangan para hindi na nila kailangang mag-abang ng rasyon at pumila sa tanker.