Ito ay dahil bumaba pa ang antas ng tubig sa Angat dam at inaasahang magpapatuloy ang pagbaba sa susunod na mga araw.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Maynilad Media Relations Officer Grace Laxa, kung noon ay nasa 70 percent ang affected areas ng kanilang water interruptions ay tataas pa ito sa 75 percent.
Madaragdagan din ang bilang ng severely affected areas.
Habang may suplay pa ng tubig ay pinayuhan ng Laxa ang mga residente na mag-ipon na.
Maari din aniyang sumahod ng tubig sa mga lugar na nakararanas ng pag-ulan.
Sa mga lugar na pinakamatinding apektado na nasa elevated areas sa Quezon City, Caloocan, Paranaque, Las Pinas, Muntinlupa at Cavite ay magrarasyon ng tubig ang 40 water tankers ng Maynilad.