BREAKING: Dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, hinarang sa Hong Kong Airport

Pinigil sa Hong Kong International AIrport si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

Si Del Rosario ay hinarang at isinailalim sa pagtatanong ng Hong Kong authorities nang dumating sya doon alas 7:40 ng umaga ng Biyernes, June 21.

Si Del Rosario ay kabilang sa nagsampa ng reklamo sa International Criminal Court laban kay Chinese President Xi Jinping noong Marso.

Sa text message ni Del Rosario sa Inquirer, alas 8:30 ng umaga sinabi niyang nananatili siya sa staff lounge ng airport at sinasagot ang ilang katanungan.

Kabilang aniya sa mga tanong sa kaniya ng Hong Kong immigration staff ay kung ano ang dahilan ng kaniyang biyahe, saan ang kaniyang business meet at kailan siya babalik ng Pilipinas.

Nagtungo sa Hong Kong si Del Rosario para dumalo sa shareholders meetings ng First Pacific at mag-isa lang siyang bumiyahe.

Mayroon namang dalawang tauhan ng konsulada ng Piliipnas na umasiste sa kaniya sa airport.

Magugunitang noong May 21 ay dinanas din ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales ang parehong sitwasyon sa Hong Kong.

Binawalan siyang makapasok sa Hong Kong dahil sa umano ay pagiging ‘security threat.’’

Magbabakasyon sana noon si Morales kasama ang anak at mga apo.

Read more...