Mas maraming residente sa Metro Manila at Cavite makararanas ng water service interruptions – Maynilad

By Dona Dominguez-Cargullo June 21, 2019 - 09:28 AM

Inabisuhan na ng National Water Resources Board (NWRB) ang Maynilad at ang Manila Water sa pagbawas pa ng alokasyon ng tubig para sa domestic use mula Angat dam.

Ito ay dahil bumaba pa ang antas ng tubig sa Angat dam at inaasahang magpapatuloy ang pagbaba sa susunod na mga araw.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Maynilad Media Relations Officer Grace Laxa, kung noon ay nasa 70 percent ang affected areas ng kanilang water interruptions ay tataas pa ito sa 75 percent.

Madaragdagan din ang bilang ng severely affected areas.

Habang may suplay pa ng tubig ay pinayuhan ng Laxa ang mga residente na mag-ipon na.

Maari din aniyang sumahod ng tubig sa mga lugar na nakararanas ng pag-ulan.

Sa mga lugar na pinakamatinding apektado na nasa elevated areas sa Quezon City, Caloocan, Paranaque, Las Pinas, Muntinlupa at Cavite ay magrarasyon ng tubig ang 40 water tankers ng Maynilad.

TAGS: cavite, maynilad, Metro Manila, Radyo Inquirer, water crisis, Water supply, cavite, maynilad, Metro Manila, Radyo Inquirer, water crisis, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.