Ito’y makaraang pagkalooban ng PAGCOR ng mahigit P400,000,000 ang Department of National Defense o DND para ipambili ng mga nasabing pasilidad.
Pormal na iniabot ni PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo ang naturang donasyon kay DND Assistant Secretary for Logistics and Acquisition Jesus Rey Avilla.
Mas maililigtas ang buhay ng mga sundalong sugatan sa pamamagitan ng mga mobile treatment facilities kung saan puwedeng magsagawa ng mga dagliang surgical procedures tuwing may military operations.
Sa pamamagitan din nito ay makakapagkaloob din ang Philippine Army ng advanced trauma care sa mga panahon ng disaster relief at humanitarian missions.
Ayon kay Domingo, isang karangalan para sa PAGCOR na makatulong sa mga kagawad ng Philippine Army na nasusugatan sa bakbakan kaya’t hindi ito nagdalawang-isip na pondohan ang pagbili ng mga nabanggit na kagamitan.
Ang nasabing tulong ay hiwalay rin aniya sa president’s socio-civic projects fund na kanilang ipinagkakaloob sa pamahalaan.