Morong, Bataan niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Morong sa lalawigan ng Bataan.

Naitala ng Phivolcs ang lindol sa 28 kilometers southwest ng Morong alas 8:14 ng umaga ng Biyernes, June 21.

May lalim na 41 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala naman ang Intensity I sa Olongapo City bunsod ng lindol.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...