Red alert walong oras na iiral sa Luzon Grid

Asahan muli ang pagkakaroon ng rotational brownout sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon ngayong araw, June 21.

Ito ay dahil sa manipis pa ring reserba ng kuryente sa Luzon Grid.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), walong oras ang pag-iral ng red alert sa Luzon Grid mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Yellow alert naman mula alas 8:00 hanggang alas 9:00 ng umaga at alas 5:00ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi.

Read more...