44 patay sa bus na nahulog sa bangin sa India

Patay ang 44 na katao habang nasugatan ang 35 iba pa nang maaksidente ang sinasakyan nilang bus sa northern state sa India na Himachal Pradesh.

Ayon sa mga otoridad, nasa 78 hanggang 80 ang lulan ng bus nang mangyari ang aksidente.

Dinala sa ospital ang mga nasugatang pasahero.

Nahulog sa bangin ang bus at kinailangan pang itawid ng ilog ang mga nakaligtas para maiakyat sa bangin na ang lalim ay nasa 300 metro.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang prime minister ng India sa pamilya ng mga nasawi.

Tiniyak din nitong ipinagkakaloob ang lahat ng kailangang tulong.

Read more...