LPA sa labas ng bansa maliit ang tsansa na tumama sa kalupaan

Bagaman may posibilidad na maging bagyo ay mababa ang tsansa na tumama sa kapuaan ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.

Huling namataan ang LPA sa layong 1,300 kilometers east ng Mindanao.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin, sa weekend papasok sa bansa ang LPA at papangalanang Dodong kapag naging ganap na bagyo.

Simula sa Linggo at sa Lunes ang LPA ay maghahatid na ng pag-ulan sa Bicol Region.

Ngayong araw ay ridge of high-pressure area ang nakaaapekto sa eastern section ng Luzon.

Maghahatid ito ng maaliwalas at maalinsangang panahon sa buong bansa.

Read more...