Ito ay kasunod ng 18 buwang suspensyon ni Ravena matapos itong magpositibo sa ipinagbabawal na substance.
Kinumpirma ni coach Yeng Guiao, coach din ni Ravena sa NLEX, na makakasama na nila sa practice ang tinaguriang “Phenom.”
Ayon kay Guiao, matatapos na ni Ravena ang suspensyon nito kapag nagsimula na ang 2019 FIBA Basketball World Cup sa August 30 kaya wala siyang nakikitang problema na kasama ang dating Ateneo star sa Gilas pool.
Malaki ang inaasahan kay Ravena lalo na’t umalis na sa team ang beteranong guard na si Jayson Castro.
Hindi man inaasahang bumalik na ang kanyang peak shape, umaasa si Guiao na inaalagaan ni Ravena ang sarili nito.