Ayon sa tagapagsalita ng bise-presidente na si Barry Gutierrez, makikipagdayalogo si Robredo sa mga mangingisda.
Ang pagbisita ng bise presidente ay dalawang araw matapos bawiin ni Junel Insigne, kapitan ng Gem-Ver, ang kanyang naging pahayag na intensyonal silang binangga ng Chinese vessel.
Naganap ang pagbawi ni Insigne sa kanyang pahayag matapos ang closed-door meeting kasama si Agriculture Secretary Manny Piñol.
Nauna nang sinabi ni Robredo na nais niyang humarap sa korte sa Pilipinas ang crew ng Chinese vessel.
MOST READ
LATEST STORIES