M4.0 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental ala-1:47 ng madaling araw ng Biyernes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 125 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Sarangani.

May lalim ang pagyanig na 82 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...