China nais ang joint probe sa Pilipinas sa insidente sa Recto Bank

Ipinanukala ng China ang joint investigation kasama ang Pilipinas kaugnay ng banggaan ng sa Recto Bank.

Ayon sa China, layon ng hakbang na magkaroon ng “mutually-recognized results.”

Nakasaad sa pahayag ng Chinese Embassy sa Maynila araw ng Huwebes, nais nilang magkaroon ng tamang solusyon kaya humirit sila ng joint investigation.

Nais ng embahada ang “friendly consultations” base sa resulta ng imbestigasyon na parehong kinikilala ng dalawang bansa.

“To find a proper solution, we suggest a joint investigation at an early date so the two sides can exchange respective initial findings and properly handle the matter through friendly consultations based on mutually-recognized investigation results,” ani Chinese Foreign Ministry spokesman Lu Kang in Beijing.

Pahayag ito ng China isang araw matapos tawagin ng bansa na iresponsable at “counter constructive” ang interpretasyon at batikos sa nangyari sa Reed Back na nagresulta sa paghahain ng Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China.

Iginiit ng China na aksidente ang banggaan at matagal nang magkaibigan ang mga mangingisdang Pilipino at Chinese.

Una nang sinabi ng 22 mangingisdang Pinoy na sinadyang banggain ng barko ng China ang kanilang bangka at hinayaan silang magpalutang-lutang sa dagat.

Pero matapos ang pulong kay Agriculture Secretary Manny Piñol ay nagbago ng tono ang kapitan ng bangka na si Junel Isigne at nagsabing hindi na niya tiyak kung binangga nga sila ng Chinese vessel.

 

Read more...