Itinaas sa red lightning alert ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang 5:17, Huwebes ng hapon.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), layon nitong maiwasan ang anumang untoward incident na posibleng idulot ng kidlat sa operasyon ng paliparan.
Dahil dito, suspendido ang ramp movement sa mga eroplano at ramp personnel.
Nananatili anilang prayoridad ang kaligtasan ng mga pasahero at airport workers.
Sinabi ng MIAA na posible itong magdulot ng pagkakaroon ng delay sa ilang biyahe sa NAIA.
Humingi naman ng pang-unawa ang ahensya sa mga maaapektuhang pasahero.
MOST READ
LATEST STORIES