Ito’y sa harap naman ng pangambang mag-tandem bilang Speaker at House Majority Leader sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at 1Pacman Partylist Rep Mikee Romero.
Inamin ng isang senior congressman na tumangging magpabanggit ng pangalan na lantaran ang gapangan hindi lamang sa House Speakership kundi maging bilang House Majority Leader.
Kung ganito anya ang magiging sistema, puro walang experience na ang magiging House leaders na wala pang napatunayan sa larangan ng pulitika at walang leadership skills kundi nakatali lang sa dambuhalang negosyante.
Una nang lumabas sa mga balita na kung si Velasco ang mahihirang na House Speaker ay inaawitan ito ng bilyonaryong kongresista na si Romero para sya ang maging majority leader kapalit naman ng bloc vote na ibibigay sa kanya ng Partylist Coalition na may 61 miyembro kung saan tumatayong pangulo si Romero.
Sina Velasco at Romero ay kapwa two-term congressmen.