Pagpapabagsak ng Turkey sa Russian jet, isang ‘hostile act’-Putin

 

Inquirer.net/AP

Walang balak si Russian President Vladimir Putin na makipag-ayos sa liderato ng bansang Turkey.

Ito ay dahil pa rin sa pagpapabagsak ng Turkey sa isang Russian jet plane na ani Putin ay isang pagpapakitang gilas lamang sa Estados Unidos.

Isinantabi rin ni Putin ang posibilidad na aksidente lamang ang nangyaring pagpapasabog sa Russian jet plane, sa halip ay tinawag itong “hostile act”.

Kung hindi aniya mahirap, imposible umano ang pagkakaroon ng magandang kasunduan sa pagitan ng Russia at Turkey.

Bukod pa dito, naniniwala si Putin na wala siyang anumang nakikitang magandang dahilan upang mas pagbutihin pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Pinasaraingan rin ni Putin ang umano’y pagiging sipsip ng Turkey sa Amerika, dahil tiyak na ang ginawa nito sa isa sa kanilang mga jets ay naabiso sa Amerika bago nila isagawa.

Paliwanag niya, kung totoo ngang aksidente lamang ang nangyaring pagpapabagsak sa Russian plane noong Nobyembre, dapat sana ay agad na tumawag ang Turkey at nagpaliwanag.

Read more...