Mayweather, maituturing na “king of his generation”- Roach

 

Inquirer file photo

Bagaman mas exciting sa mga fans si pambansang kamao Manny Pacquiao, aminado ang kaniyang coach Freddie Roach na si Floyd Mayweather Jr. ang maituturing na hari ng kanilang panahon.

Ani Roach, napanatili ni Pacquiao ang kasabikan sa mga fans nito nang ma-master nito ang walong dibisyon, pero di hamak na mas nakalalamang si Mayweather dahil nanatili itong undefeated.

Pareho man aniya sina Pacquiao at Mayweather ng mga division na sinabakan, aminado siyang mas karapatdapat ibigay ang karangalan kay Mayweather dahil sa lahat ng dinaanan nitong laban, nanatili itong undefeated.

Gayunman, ang lamang aniya ni Pacquiao ay mas nag-eenjoy sa mga laban niya ang kaniyang mga fans.

Read more...