Avengers: Endgame muling ipalalabas sa mga sinehan; nais matalo ang box office record ng Avatar

Kinumpirma ng Disney na muling ipalalabas sa mga sinehan ang Avengers; Endgame.

Layon nitong mawasak ang box-office record na nananatiling hawak ng Avatar.

Sa datos, ang Avengers: Endgame ay may kitang US$2.74 billion worldwide simula nang ipalabas ito noong Abril.

Habang ang 2009 movie na Avatar ang nananatiling may hawak ng all-time record na US$2.788 billion.

Ayon sa Disney, sa pagpapalabas muli ng Avengers: Endgame ay magdaragdag sila ng footage sa dulong bahagi nito.

Mga eksenang hindi napanood ng Marvel fans.

Hindi naman tinukoy ni Marvel studios president Kevin Feige kung anong mga eksena ang dapat na abangan.

Read more...