Publiko hinimok na makiisa sa sabayang earthquake drill ngayong hapon

Hinimok ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang publiko na makiisa sa gaganaping 2nd quarter National Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw (June 20).

Eksakto alas 2:00 ng hapon, inaanyayahan ang lahat na mag-duck, cover at hold.

Inabisuhan din ng Office of the Civil Defense ang mga makikilahok sa earthquake drill na kumuha ng larawan at video at iupload ito gamit ang hashtag na #BidaAngHanda.

Maari umanong ibahagi ang mga larawan at video sa Facebook at Twitter.

Nagpadala na din ng text message ang National Telecommunications Commission o NTC na nagbibigay abiso sa publiko sa magaganap na earthquake drill.

Read more...