Pulis patay sa pananambang sa Cebu

CDND Photo
Patay sa pananambang ang isang aktibong pulis sa Cordova, Cebu.

Nakilala ang biktima na si Police Chief Master Sergeant Deogenes Carillo na kapatid ng isang dating konsehal sa Cebu City.

Naganap ang pananambang kay Carillo malapit sa Cordova Central School sa Barangay Poblacion, Huwebes (June 20) ng umaga.

Sakay umano ng motorsiklo ang mga hindi nakilalang suspek na bumaril sa pulis.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...