Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig alas 10:04 ng umaga ng Huwebes (June 20).

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 145 kilometers southeast ng Jose Abad Santos.

May lalim itong 69 kilometers at tectonic ang origin.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa – Tupi, South Cotabato; Alabel at Kiamba, Sarangani; at sa General Santos City.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...