Ang operasyon ay ikinasa ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) laban kina Staff Sergeant Erwin Gobis, Senior Master Sergeant Demetrio Laroya at Corporal Ariel Pasion – nakatalaga sa PNP Health Service at Staff Sergeant Gerry Ocampo na nakatalaga naman sa the PNP Crime Laboratory.
Ginawa ang operasyon Miyerkules n ggabi sa loob ng isang kainan sa 3rd Avenue, Barangay Bagong Lipunan sa Cubao, Quezon City.
Naaresto din sa operasyon si Leo Ocinar, non-uniformed personnel ng PNP, at ang dating police na si Fidel Agustin at si Teddy Carpio ang may-ari naman ng kainan na nag-ooperate ng online betting game o online sabong.
Nakumpiska sa operasyon ang mga perang ginamit pangtaya, dalawang TV sets, digital video recorder para sa closed-circuit television camera, mga rolyo ng betting tickets, dalawang digital boxes at 23 bote ng wine.
Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng sumbong ang PNP-IMEG na may mga pulis na madalas nagsusugal at umiinom sa lugar.