Tinupok ng apoy ang mahigit 80 mga bahay sa sunog na naganap sa Lapu-Lapu City sa Cebu.
Nangyari ang sunog umaga ng Huwebes (June 20) sa Sitio Ibabao, Barangay Pusok.
Ayon kay Fire Officer 1 Mae Anne Bartolabac ng Lapu-Lapu City Fire Station 1 alas 5:41 ng umaga nang matanggap nila ang tawag hinggil sa sunog.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at naideklarang under control alas 6:26 ng umaga.
Inaalam pa kung ilan ang pamilyang naapektuhan at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang natupok.
Nananatili pansamantala sa Barangay Pusok Mini Hoopsdome ang mga nasunugan habang tiniyak naman ng City Social Welfare Services (CSWS) na sila ay tutulungan sa mga pangangailangan.
READ NEXT
NGCP nagpaabiso na ng rotational brownout sa Luzon kasama ang Metro Manila dahil sa red alert sa Luzon Grid
MOST READ
LATEST STORIES