Statue ni Marilyn Monroe sa Hollywood gazebo, ninakaw

Ninakaw ang statue ni Marilyn Monroe sa Hollywood gazebo.

Ayon sa mga otoridad, inakyat ng suspek ang mahigit dalawang palapag na taas sa Hollywood public art at saka kinuha ang estatwa ni Monroe.

Sa nasabing estatwa ipinapakita ang iconic pose ni Monroe mula sa 1955 film niyang “The Seven Year Itch”.

Kasama ang estatwa ni Monroe sa “Four Ladies of Hollywood” stutues na nasa gazebo.

May testigo namang nakakita ng ginawang pag-akyat ng magnanakaw sa gazebo.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon sa insidente at may nakuha nang fingerprints ang mga otoridad.

Itinayo ang gazebo taong 1994.

Read more...