President Xi bibisita sa Pyongyang

AP FILE PHOTO
Magkakaroon ng historic visit sa Pyongyang si Chinese President Xi Jinping.

Si President Xi ang magiging kauna-unahang Chinese President na bibisita sa North Korea sa nakalipas na 14 na taon.

Dalawang araw ang magaganap na pagbisita ni Xi kung saan inaasahang matatalakay sa pagitan nila ni Kim Jong un ang parehong mga hamon na kinakaharap nila sa problema sa US.

Hindi inanunsyo ang eksaktong petsa ng pagbisita ni Xi sa Pyongyang pero sa ulat ng local media, naghigpit na ng seguridad sa Pyongyang subway station para sa pagdating ni Xi.

Ngayong araw din kasi ang ika 70 anibersaryo ng diplmatic relations sa pagitan ng China at North Korea.

Read more...